Jonathan Vergara Geronimo
- Mula sa Talumpati ni Pres. Noynoy Aquino, Hunyo 30, 2010
MAG-INGAT:
Huwag kayong makikipag-tsikahan sa dyip.
Baka kayo mapagkamalan
o mapag-tripan ng isang pangkat ng barkadahan
na matatalim ang ngiti
at tila naghihintay sa iyo.
Sa ibubulas mong kuwento.
Hindi pasahero ang mga yan
at lalong hindi adik
sa isang basong pandikit
o sa pag-aakala mo
na mang-aagaw ng dalang gamit?
Maniwala ka sakin:
Hindi sila pulubi nang nakaiinip na dyip
Hindi nila kailangan
ang iyong barya
ang iyong alahas
maging ang iyong mumunting supot.
Basta naghihintay sila sa iyong kwento.
Bago nila gawin ang isang gatilyong utos:
... ang pasabugin ang bao ng iyong ulo.
Matapos magpahayag ng galit mo sa gobyerno.
*Alay sa limang aktibista na sinimulang pasikatan ng marahas na kamay ng bagong luklok na pamahalaan.AKALA KO BA HANDANG MAKINIG?
No comments:
Post a Comment